Quarantine facilities sa bansa higit 2,600 na, testing facilities 15 na

0
33

Tinatayang nasa mahigit 2,600 na ang mga quarantine facilities sa buong bansa para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga naturang pasilidad ay mayroong mahigit 165,000 bed capacity para sa mga suspected at posibleng carrier ng virus.

Aniya, bukod dito ay sisimulan na rin sa Lunes ang operasyon ng Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine facility.

Inaasahan rin sa mga susunod na linggo ang karagdagang quarantine facilities na kayang mag-accommodate ng mahigit 2,000 pasyente ng COVID-19.

Iginiit ni Galvez na ang pagtatay ng quarantine facilities ay kinakailangan sa bawat lungsod at bayan sa buong bansa upang matugunan ang pangangailangan laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.


Mayroon na ang Pilipinas ng 15 COVID-19 testing facilities para sa covid-19.

Ayon kay National Task Force COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, ang mga pasilidad ay makatutulong na mapabilis at mapalawak ang kakayanan ng bansa na makapag-suri at matukoy ang mga posibleng pasyente ng sakit upang mabigyan rin ng karapatang medical treatment.

Ang mga naturang pasilidad ay ang mga sumusunod:

  1. Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
  2. San Lazaro Hospital
  3. Up National Institute of Health
  4. Lung Center of the Philippines
  5. Baguio General Hospital
  6. Medical Center Baguio
  7. Western Visayas Medical Center
  8. Vicente Sotto Memorial Medical Center
  9. Southern Philippines Medical Center
  10. Bicol Public Health Laboratory
  11. St. Lukes Medical Center – Global/Quezon City
  12. The Medical City – Pasig
  13. Molecular Diagnostics Laboratory
  14. Makati Medical City, at
  15. V. Luna Hospital

Samantala, sinabi naman ni Galvez na mayroon na ang bansa ng kabuuang 2,673 quarantine facilities para sa lahat ng suspected at probable COVID-19 cases.