Masamang epekto ng agarang pagtanggal ng lockdown sa iba’t ibang bansa ibinabala ng WHO

0
21

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang bansa kaugnay sa agarang pagtanggal ng lockdown.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang agarang pagtanggal ng lockdown ay maaaring magdulot ng maraming pagkamatay at muling pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi ito maisasagawa ng maayos.

Dahil dito nakikipag-ugnayan na anila ang WHO sa mga bansa para sa mas epektibong paraan kung paano paunti-unting tanggalin ang mga lockdown upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, ipinabatid naman ni Tedros na humihina na ang pagkalat ng virus sa ilang bansa sa Europe gaya ng Spain, Italy, Germany at France.