QC mag-iinspeksyon sa mga live stock sa buong lungsod

0
49

Magsasagawa ng inspeksyon ang Quezon City Veterinary Department at Quezon City Police District sa mga live stock particular na ang baboy sa buong lungsod.

Malaki raw kasi ang posibilidad na dumami ang botcha kasunod ng mga report hinggil sa African Swine Fever.

Masusing iinspeksyunin ang mga live stock at titignan kung meron itong bakas ng kontaminasyon at pagkakasakit.

Bubusisiin din ang mga ito kung ito ay double dead o botcha at agad itong kukumpiskahin.

Magtatalaga ng checkpoint ang mga otoridad sa anim na lugar sa lungsod para sa gagawing masusing inspeksyon

Magsisimula sa Lunes, ika-26 ng Agosto ang inspeksyon.

With report from Jaymark Dagala