DOLE at OWWA nakikipag-usap sa KSA hinggil sa unpaid salaries ng mga dating OFW

0
48

Nakikipag usap na ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administrasyon (OWWA) sa pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) hinggil sa isyu ng unpaid salaries ng mga dating OFW.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nangako ang mga opisyal ng KSA na gagawa sila ng paraan para matugunan ang reklamo ng mga Pilipinong manggagawa.

Ngunit hindi pa rin daw sinabi kung kailan ang eksaktong petsa na itatakda para makuha at maibigay ito.

Nakikita naman ni Bello na animo’y isang liwanag sa dulo ng tunnel ang gagawing pagbisita ng Crown Prince ng Saudi Arabia para mapabilis ang inaasahang partial payment ng mga Pilipino.