Pursuit ops vs. NPA paiigtingin pa ng militar

0
17

Paiigtingin pa ng militar ang pursuit operations laban sa New People’s Army Terrorist Group sa Western at Central Visayas.

Ito ang inihayag ni Army Infantry Division Commander Brig. Gen. Eric Vinoya, kasunod ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Sitio Tambo, Brgy. Santol Bonalbaga, Negros Occidental nakaraang Sabado.

Samantala, nananawagan rin si Vinoya sa lahat ng natitirang NPA na sumuko na lamang kaysa mamatay sa giyera laban sa puwersa ng pamahalaan.