Ilang kumpaniya ng langis magpapatupad ng price rollback simula ngayong araw

0
23

Nagpatupad na ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang kumpaniyang Cleanfuel.

Alas 4:00 ng hapon ngayon, epektibo ang kanilang beinte sentimos na bawas sa kada litro ng gasolina habang sampung sentimos naman sa diesel.

Ganito rin ang ipatutupad na rollback ng iba pang mga kumpaniya ng langis tulad ng Petro Gazz at Shell sa araw ng Martes, Nobyembre 26, ganap na ala 6:00 ng umaga.

Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na may rollback sa presyo ng diesel bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.