28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pulisya sa Metro Manila naka full alert status ngayong Semana Santa

- Advertisement -

Naka full alert status na ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila, simula ngayong araw hanggang sa susunod na linggo, Abril 21 o Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major Gen. Guillermo Eleazar, aabot sa 11,000 pulis ang kanilang ikakalat sa mga matataong lugar, gaya ng simbahan, mall, terminal ng bus at mga pantalan.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ni Eleazar na kanselado rin ang lahat ng mga official leaves ng mga PNP personnel na naka-destino sa Metro Manila.

Samantala, sinabi rin naman ni Eleazar na wala pa silang namomonitor na anumang banta ng kaguluhan sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -