Klase sa SUCs at LCUs permanenteng magsisimula sa Agosto

0
40

Inanunisyo na ng Commission on Higher Education (CHED) na Agosto na ang permanenteng simula ng mga klase sa mga state universities at colleges (SUCs) sa bansa.

Ito ay batay sa inilabas na memorandum order ni CHED Chairman J. Prospero De Vera III, kung saan nakasaad na dapat baguhin ng lahat ng paaralan ang kanilang mga academic calendars sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ang memorandum na ito ay alinsunod sa probisyon ng Higher Education Act of 1994 o Republic Act 7722 at Commission En Banc Resolution No. 142-2019.

Samantala, hindi naman nakasaad sa nasabing memorandum order ang naging batayan ng CHED sa nasabing kautusan.