Saturday, May 4, 2024

Pulis na nagbuwis ng sariling buhay para iligtas ang mga guro at estudyante pinarangalan ng Senado

- Advertisement -

Pinarangalan ng Senado ang pulis na nagbuwis ng sariling buhay para iligtas ang mga guro at estudyante ng Initao College sa Misamis Oriental sa pagsabog ng isang granada.

Ito ay matapos yakapin ni Pol. Senior Master Sergeant Jason Janos Magno ang granada na itinapon ng isang lalaki sa eskwelahan na may maraming estudyante at guro.

Magugunitang si Magno rin ang unang rumesponde matapos maireport sa kanilang opisina kaugnay sa isang lalake na may mga armas at granada na nakapasok sa eskwelahan.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na igawad ang order of lapu-lapu magalong at PNP medal of valor sa bayaning pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img