Pulis na miyembro ng NCRPO nagpositibo sa droga

Pulis na miyembro ng NCRPO nagpositibo sa droga

by Powered by DWIZ
0 comment 14 views

Nagpositibo sa pag-gamit ng iligal na droga ang isang pulis na miyembro ng PNP National Capital Region Police Office sa isinagawang surprise drug test.

Kinilala ni NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas ang naturang pulis na si Police Corporal Sonny Floren.

Aniya, ni-recall na sa serbisyo ang pulis at isinasailalim na ito sa imbestigasyon.

Ipinagmalaki naman ni Sinas na nagsasagawa rin sila ng random drug test sa iba pang police district ngunit walang nagpositibo sa mga ito.

0 comment

Related Posts