Kambal ni Aga Muhlach nagdiwang ng ika-18 kaarawan sa ospital

Kambal ni Aga Muhlach nagdiwang ng ika-18 kaarawan sa ospital

by Powered by DWIZ
0 comment 11 views

Nagdiwang ng kanilang ika-18 kaarawan ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa ospital.

Nuong nobyembre 5 ang 18th birthday nina Andres at Atasha ngunit sa halip na party ay mas ginusto ng dalawang makasama at bantayan ang kanilang ina na nasa ospital.

Isinailalim kasi si Charlene sa emergency operation para sa kanyang appendicitis matapos na makaranas ng matinding sakit sa tiyan.

Nagpasalamat naman si Charlene kay Aga at sa kanyang kambal sa pagsama sa kanya.

Sa kanyang instagram, binati ni Charlene ang kambal kung saan sinabi nitong hindi siya makapaniwala na nasa edad na ngayon ang kanyang mga anak.

Panahon na aniya para lumipad ang mga ito habang sila naman ni Aga ay mananatili biggest fans ng kambal.

0 comment

Related Posts