36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Psycho training sa mga pulis iminungkahi ng isang mambabatas

- Advertisement -

Iminungkahi ni ACT-CIS Representative Niña Taduran na isailalim sa comprehensive psychological training ang mga pulis.

Ito ay matapos na mabaril at mapatay ni Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr.  ang dating militar na si Private First Class Winston Ragos na may problema sa pag iisp dahil sa umanoy paglabag nito sa enhanced community quarantine (ECQ) protocol sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa mambabatas, posibleng naiwasan ang pagkasawi ni Ragos kung may sapat lang na kasanayan ang pulis sa paghawak ng sitwasyon sa mga taong may mental health problem.

Paliwanag ni Taduran, kung papanuorin ang CCTV footage ng insidente ay mapapansin na mayroong problema sa pag iisip ang biktima dahil pumunta ito sa quarantine control point at pinagsisigawan ang mga pulis.

Aniya, malinaw sa ilalim ng Republic Act 11036 o Mental Health Act ay dapat na pinoproteksyunan ang mga tao na may problema sa pag iisip.

Magugunitang nagkaroon umano ng post traumatic stress disorder at schizophrenia si Ragos matapos itong sumabak sa gyera sa mindanao noong itoy nasa Philippine Army.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -