31.9 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Mga PUV drivers dapat na patuloy na makatanggap ng ayuda —PISTON

- Advertisement -

Iginiit ni ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na hindi dapat matigil ang ayuda ng gobyerno sa mga public utility vehicle (PUV) driver kahit pa matapos na ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa presidente ng PISTON na si George San Mateo, kahit pa makapasada muli ang mga jeep ngunit kung babawasan naman ang kapasidad ng mga ito na makapagsakay ng pasahero, malaki ang magiging epekto nito sa kita ng mga driver.

Sinabi ni San Mateo na kung hindi kayang tugunan ng gobyerno ang tuloy-tuloy na ayuda ay kailangan silang payagan na magtaas ng pasahe.

Gayunman hindi rin naman aniya nais imungkahi ang pagtataas ng pasahe dahil alam niyang maging ang mga manggagawa ay apektado rin ng krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasabay nito, inireklamo ni san Mateo na hindi pa nakakatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP) mula sa gobyerno ang karamihan sa mga PUV driver.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -