Proklamasyon ng mga nanalong senatorial candidate nakabinbin pa rin

0
41

Nakabinbin pa rin ang proklamasyon ng mga nanalong senatorial candidate at party-list groups ngayong araw.

Ayon kay Frances Arabe, Assistant Director ng COMELEC – Education and Information Division, naka-depende ang proklamasyon sa dalawang natitirang Certificates of Canvass o COC mula Saudi Arabia at Washington D.C sa U.S

Inaasahan anya nilang darating ngayong araw ang mga nasabing COC.

Ipagpapatuloy ng COMELEC na nagsisilbing National Board of Canvassers ang canvassing mamayang alas 10:00 ng umaga.