LRTA pinagpapaliwanag hinggil sa nangyaring aberya

0
47

Kailangang magpaliwanag ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa publiko hinggil sa banggaan ng mga tren nito noong Sabado ng gabi.

Ayon ito kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa kabila nang pang-gigiit ng LRTA na isolated case ang nasabing insidente.

Sinabi ni Inton na handa ang kanilang grupo na magbigay ng legal assistance sa mga apektadong pasahero sakaling may reklamo sa ibinibigay na ayuda ng LRTA.

Kasabay nito, hinimok ni Inton ang stakeholders na pagandahin at tiyakin ang kaligtasan sa mass transportation.