Proklamasyon ng 12 nanalong senador sa midterm elections kasado na

0
92

Kasado na ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa midterm elections.

Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng Commission on Elections, hapon nila itinakda ang proklamasyon para sa mga senador.

Uunahin anya nila sa umaga ang proklamasyon ng mga nanalong partylist organizations.

Inaasahan hanggang mamayang gabi ang pagdating mga boto mula sa Isabela na umaabot pa sa mahigit isang milyong boto.

Maaari pa kasi itong maka apekto sa boto ng nasa pang 12th at pang 13th  puwesto.