Mga kaganapan matapos ang eleksyon magiging kapanapanabik — Casiple

0
56

Magiging kapana-panabik ang mga susunod na araw matapos ang eleksyon.

Ito ang naging pagtaya ni University of the Philippines Professor Ramon Casiple, isang political analyst kasunod ng mga hindi inaasahang kaganapan at resulta ng halalan.

Partikular aniya rito ang pagbagsak ng ilang mga political dynasty tulad sa mga lugar ng Maynila, San Juan, Pasig at iba pang mga lalawigan.

Ayon kay Casiple, may pagbabagong nangyari nitong nakaraang eleksyon bagama’t hindi siya nakatitiyak kung patungo na ito sa reporma sa sistema ng politika sa bansa.

Gayunman, sinabi naman ni Casiple na hindi pa rin niya maituturing na nagmature na ang mga botanteng Pilipino lalo’t nananatili pa ring batayan sa pagpili ng mga kandidato ay personalidad.

Balitang Todong Lakas Interview