PRO-CAR nakasabat naman ng mahigit P27 milyong pisong ng illegal na druga at ang pagkakaaresto ng 7 katao sa Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, at Baguio

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Matagumpay na nagsagawa ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ng sunud-sunod na operasyon kontra illegal na druga na nagresulta sa pagkakasamsam ng illegal na druga na nagkakahalaga ng PhP27,945,168.00 sa matagumpay na anti-illegal drug operations mula September 16 hanggang 22, 2024 at ang pagkakaaresto ng pitong katao na sangkot sa transaksyon ng druga.

Ayon sa ulat ng PRO-CAR, ang mga tauhan nito ay nagsagawa ng 31 operasyon sa mga probinsiya ng Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, at ng lungsod ng Baguio.

Ang mga naturang operasyon ay humantong sa pagkakasamsam ng 107,430 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana, 6,276 binhi ng Marijuana 51,000 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana at 12.96 gramo ng hinihinalang shabu.

Ang pinakamahalagang operasyon ay nangyari sa probinsiya ng Kalinga, kung saan ang mga tauhan Kalinga Police Provincial Office (PPO) ay nakasamsam ng illegal druga na nagkakahalaga ng PhP22,020,240.00 at nakahuli pa ng dalawang katao.

Habang sa probinsiya ng Benguet, ang mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office ay nakasamsam ng may kabuuang halaga na PhP5,870,188.00 ng illegal na druga at nakahuli pa ng isang katao.

Samantala, sa lungsod ng Baguio, ang mga tauhan ng Baguio City Police Office ay nakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng PhP33,660.00 at ang paghuli ng dalawang katao.

Sa kaugnay na balita, ang mga tauhan ng Abra Police Provincial Office ay matagumpay nakahuli ng isang katao at nakasamsam ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng PhP14,280.00, habang ang mga tauhan ng Apayao Police Provincial Office ay nakahuli ng isang indibidual at nakabawi ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng PhP6,800.00. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO PRO-COR)

Leave a Reply