Princess Diana patatayuan ng rebulto sa Kensington Palace

0
16

Patatayuan ng rebulto ang yumaong si Princess Diana ng Wales sa London Palace.

Ang hakbang ay kasabay ng kanyang ika-60 kaarawan sa aprimero ng Hulyo sa susunod na taon.

Ayon naman sa opisyal ng Kensington Palace, naudlot lang ang nakatakdang pagtatayo ng sculpture dahil sa banta ng pandemya ng COVID-19.

Dagdag pa nito, gawa ito ng sikat na artist na si Rank-Broadley.

Magugunitang sumakabilang buhay si Princess Diana taong 1997, kung saan 15 taong gulang pa lamang ang anak na si Prince William at 12 taong gulang naman si Prince Harry.