Black Panther star Chadwick Boseman pumanaw na dahil sa sakit na cancer

0
25

Pumanaw na ang Hollywood Star na si Chadwick Boseman sa edad na 43 dahil sa cancer.

Sa isang pahayag sa twitter account kinumpirma mismo ng official twitter account ng aktor ang pagpanaw nito dahil sa colon cancer.

Batay sa pahayag, apat na taon nang nilalabanan ng aktor ang colon cancer.

Matatandaang sumikat si Boseman matapos nitong bumida sa pelikulang Black Panther bilang si King T’challa, kung saan napanood din ito sa Avengers: Infinity War at Endgame.