Prince Harry, Meghan dapat magbayad sa seguridad — Trump

Prince Harry, Meghan dapat magbayad sa seguridad — Trump

by Powered by DWIZ
42 views

Dapat na magbayad ng kanilang security sina Prince Harry at Meghan matapos lumipat ng tirahan sa Amerika mula sa Canada.

Ayon ito mismo kay US President Donald Trump kahit pa aniya kaibigan niya si Queen Elizabeth at ang United Kingdom.

Ang mag-asawa ay lilipat sa bahay ni Meghan sa california dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakatakdang pormal na bumaba ang mag-asawa sa kanilang Senior Royal Duty bukas, March 31.

0 comment

Related Posts