Liquor ban ipinatupad sa Maynila

0
21

Ipinatutupad na sa lungsod ng Maynila ang temporary liquor ban dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Epektibo ang liquor ban ngayong araw na ito batay na rin sa nilagdaang Executive Order ni manila Mayor Isko Moreno kung saan nakasaad ang mahigpit na pagbebenta at distribusyon ng anumang nakakalasing na inumin tulad ng beer at wine.

Una nang ikinadismaya ni Moreno ang patuloy na paglabag ng ilang Manileño sa social distancing at sa curfew na ipinatutupad ng lungsod dahil sa mga ulat nang pagtitipon at inuman sa labas ng tahanan.

Ang hakbang ni Moreno ay alinsunod na rin sa general welfare clause na nakapaloob sa local government code of 1991 kung saan ang mga lokal na pamahalaan ay maaaring magpatupad ng emergency measures sa panahon ng krisis o kalamidad.