Presyo sa petrolyo ngayong linggo, tataas

0
39

Magpapatupad ng panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Epektibo sa Martes, agosto 20, ang .50 na taas presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Habang .75 naman sa kada litro ng diesel.

Inaasahang unang magpapatupad ng dagdag presyo ang Caltex na sisimulan ng alas dose uno ng hating gabi sa Martes, susundan ng Petro Gazz sa ala sais ng umaga at ng iba pang kumpanya ng langis.