Number coding sa QC, suspendido ngayong araw

0
48

Suspendido ang number coding sa Quezon City ngayong araw, Agosto 19.

Ito ay dahil deklaradong non-working holiday sa lungsod bilang paggunita sa Quezon City Day o anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Gayunman, nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad pa rin ang number coding sa bahagi ng EDSA at C5 na sakop ng Quezon City.