Presyo ng mga produktong petrolyo sumirit na nama

0
56

Ilalarga na ngayong umaga ng mga kumpanya ng langis ang  panibagong price increase sa kanilang mga produkto.

Epektibo ala 6:00 mamaya ipatutupad ng Jetti Petroleum, Petron, Total, Phoenix petroleum, Shell, Flying V. at Petro Gazz ang 35 sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng Diesel;

Kwarenta sentimos sa gasolina at sitenta sentimos sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng oil price increase ngayon lamang Hulyo.

Ang panibagong paggalaw sa presyo ay bunsod ng  price hike sa  international  market.