Saturday, May 4, 2024

Presyo ng mga produktong petrolyo muling nag-rollback ngayong pasko

- Advertisement -

Muling nagpatupad ng bigtime price rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong pasko.

Epektibo alas dose  kaninang hatinggabi nang ilarga ng Chevron at Eastern Petroleum ang pisong tapyas presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Magpapatupad din ng kahalintulad na rollback mamayang ala sais ang mga kumpanyang Total, Petron, Shell at Petro Gazz.

Una ipinatupad ng Unioil, Ptt, Seaoil at Jetti Ang bawas sa presyo sa kanilang mga produktong petrolyo noong Sabado at Linggo.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggong nagpatupad ng price rollback ngayong Disyembre bunsod paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img