28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Pangulong Duterte ipinagtanggol sa akusasyong ‘bully’

- Advertisement -

Ipinagtanggol ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga akusasyon at mga kritisismong natatanggap na bully daw ang pangulo.

Kasunod ito ng kontrobersiya sa nag-viral na bullying scandal na ikinayanig ng isang kilalang pamantasan sa Maynila.

Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi bully ang pangulo dahil ang pambubully aniya ay pananakit sa mga walang laban lamang.

Dagdag pa ni Panelo, ang matapang na pananalita ng pangulo ay paraan lamang nito para bigyang diin ang kanyang mga pahayag.

Kilala ang pangulo sa kanyang pananakot at pagsumpa sa mga taong may kaugnayan sa droga at mga korap na opisyales.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -