Presyo ng hamon sa Metro Manila tumaas na —DTI

0
18

Tumaas na ang presyo ng hamon sa Metro Manila, mahigit isang buwan bago sumapit ang araw ng pasko.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) , tumaas na ng P40 hanggang mahigit P100 ang presyo ng kada kilo ng hamon.

Ito ay sa kabila ng matumal na bentahan ng hamon dahil sa isyu ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Una rito, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na tumaas ng 11% ang mga noche buena products kagaya ng fruit cocktail, cheese, sandwich spread, keso de bola, at tomato sauce.

Paliwanag ni Lopez, ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng raw materials na ginagamit sa produksyon ng mga nasabing produkto.