Palasyo kay Robredo: “Handa na rin kami”

0
8

Ito ang naging tugon ng Malacañang matapos tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang posisyon bilang Co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na kailangan pang tanungin ni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte kung handa itong makipag-tulungan sa kaniya.

Paliwanag ni Panelo, ang ginawang pag-alok ng pangulo kay Robredo para sa naturang posisyon ay isa ng indikasyon ng tiwala, kumpiyansa, at kahandaan ng pangulo na makipag-ugnayan kay Robredo.

Offered and you give, that means the appointing power is of the belief that the person being appointed is capable doing the job,” —ani Presidential spokesman Salvador Panelo.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Panelo ang pagtanggap ni Robredo sa naturang posisyon dahil pinatunayan lamang aniya ni Robredo na mas matalino siya sa kaniyang mga kasamahan na una nang nagpayo na huwag niyang tanggapin ang alok na posisyon ng pangulo.

Welcome naman aniyang dumalo si Robredo sa cabinet meeting sa Malacañang dahil mahalaga aniyang magkausap sina Robredo at angulong Duterte para maging maayos ang kaniyang trabaho bilang Co-chairperson ng ICAD.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Panelo na ibibigay ng Malacañang ang kanilang full support kay Robredo dahil anuman ang magiging tagumpay nito ay sumasalamin sa tagumpay ng administrasyong Duterte.