33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Quezon City bumaba

- Advertisement -

Bumaba ang presyo ng gulay sa Balintawak Market at Mega Q-Mart sa Quezon City, apat na araw bago ang pasko.

Sa Balintawak, P5 kada kilo ang ibinaba ng presyo ng pechay habang P10 ang itinapyas sa kada kilo ng sayote, patatas, carrots at talong;

P15 sa repolyo, P20 sa cauliflower; amapalaya, P25 at P30 sa kada kilo ng bell pepper.

Sa Mega Q-Mart, P10 ang ibinaba ng presyo ng kada kilo ng sayote habang P20 sa patatas, carrots, ampalaya, okra at kamatis.

Pinayuhan naman ng mga vendor ang mga mamimili na samantalahin ang mababang presyo ng gulay dahil inaasahang tataas ito habang papalapit ang pasko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -