Saturday, May 18, 2024

4 drug suspects patay sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP sa Cebu

- Advertisement -

Patay ang apat (4) na drug suspects sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Talisay, Cebu.

Ang unang engkuwentro ay naganap sa Hawod Compound sa Barangay Bulacao kung saan napatay ang suspects na sina Rodel Nacario at Kevin Baguio.

Ayon kay Superintendent Marlu Conag, hepe ng Talisay Police, posibleng matagal nang nag-ooperate ang mga suspek subalit hindi magalaw dahil ipinagmamayabang nila na matataas na tao ang kanilang mga protektor.

Nakuha sa suspects ang dalawang kalibre .38 baril at mahigit tatlumpung (30) sachets ng hinihinalang shabu.

Samantala, patay rin ang dalawang drug suspects sa operasyon ng pulisya sa Sitio Mangilamon ng Barangay Jacklupan sa lunsod pa rin ng Talisay.

Ang mga napatay matapos manlaban sa mga pulis ay nakilalang sina Rodrigo Alvarez at kapatid na si Victor Noel.

Naaresto naman ang driver ng magkapatid na si Wilfredo Narsico at limang (5) iba pa.

Natuklasan ng pulisya ang mahigit sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa walong (8) milyong piso na nakabon sa lupa.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -