Presyo ng Gasolina’t Diesel bababa Presyo naman ng Kerosene tumaas

0
46

Muling magpapatupad ng dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong linggong ito

Buena mano sa mga ito ang kumpaniyang Cleanfuel na may 15 sentimos na Rollback sa kada litro ng Diesel habang 20 sentimos naman ang Rollback sa kada litro ng Gasolina

Sa Martes naman, Agosto 27 magpapatupad ng kaparehong tapyas presyo ang mga kumpaniyang Shell, Phoenix Petroleum at petro gazz na inaasahang susundan din ng iba pang Oil Players

Gayunman, inanunsyo ng Shell na mayruon silang 10 sentimos na dagdag sa kada litro ng Kerosene