60 days deadline sa mga Metro Mayors on track – DILG

0
46

Kumpiyansa si DILG o Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maaabot ng mga Metro Mayors ang ipinataw na 60 days deadline

Ito’y para linisin at ayusin ang lahat ng mga kalsada sa Metro Manila upang makatulong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan tulad ng Edsa

Ayon sa kalihim, hinihintay na lamang niya ang ulat na magmumula sa field na siyang nagbabantay naman sa mga Alkalde at kaniya itong pag-aaralan

Sakaling may mabigong tuparin ang kanilang mandato na linisin ang kanilang lungsod o bayan, tiniyak ni año na papatawan niya ito ng suspensyon sa at posible pang maharap sa kasong kapabayaan