Presyo ng face shield tumaas na

0
12

Tumaas na ang presyo ng face shield —isang araw matapos i-anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory ang pagsusuot nito bago makasakay ng pampublikong sasakyan.

Napag-alaman ng DWIZ na mula sa dating P20 hanggang P25 ay umaabot na ngayon sa P35 ang presyo ng face shield sa Divisoria.

Mas mataas pa umano ito sa ibang lugar na umaabot sa P40 hanggang P50.