Ekonomiya ng bansa sa Q2 ng 2020 bumagsak ng 16.5% —PSA

0
14

Bumulusok pa ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nagtala ng -16.5% ang gross domestic product ng bansa mula Abril hanggang Hunyo.

Kasunod ito ng -.7% na naitala mula Enero hanggang Abril.

Una rito, sinabi ni Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno na maituturing nang nasa technical recession ang Pilipinas kapag nakapagtala ito ng magkasunod na contractions o negatibong gross domestic product.