Lalo pang tumaas ang presyo ng bigas sa nakalipas na walong buwan kahit patuloy ang pagdating ng imported rice.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 43 pesos at 18 centavos ang kada kilo ng wholesale na well-milled rice ngayong agosto kumpara sa dating 38 pesos, noong isang taon.
Dahil dito, tumaas ang average retail price sa 45 pesos at 71 centavos kada kilo.
Umabot naman sa 40 pesos at eight centavos kada kilo ang wholesale price ng regular-milled rice kumpara sa dating 35 pesos noong isang taon dahilan upang tumaas ang retail prices 42 pesos at 26 centavos kada kilo.
Samantala, nilinaw ng National Food Authority (NFA) na wala pang epekto sa inaasahang pagbaba ng presyo ang mga inimport ng bigas.