Bilang ng mga pasahero naapektuhan ng main runway shutdown sa NAIA umabot sa mahigit 61,000

0
62

Umabot na sa mahigit 61,000 na pasahero ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific ang apektado ng mahigit isang araw na shutdown ng main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines.

Kabilang sa naturang bilang ang mga na-kansela, na-delay at na-divert na domestic at international flights.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, tatlumpu’t isanlibong pasahero nila ang naapektuhan ng aberya sa paliparan.

Inihayag naman ni Cebu Pacific Director for Corporate Communications Charo Logarta-Lagamon na tatlumpu’t isang libo nilang pasahero ang naapektuhan ng flight cancellations.

Tiniyak naman ni Villaluna na sasagutin ng PAL ang gastos sa operational disruption na resulta ng naturang insidente habang pinag-aaralan ng Cebu Pacific ang posibleng pagpapanagot sa Xiamen Airlines.