Baguio City – Pinangunahan ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ang pagbubukas ng Presidential Museum sa Mansion House kahapon noong linggo. Siya ang opisyal na nagbukas ng mga tarangkahan ng Mansion House, bilang simbolo na ang publiko ay maaring magpunta sa opisyal na tahanan ng Pangulo sa lungsod ng Baguio.
Ang Presidential Museum ay nagpapakita ng galerya o tanghalan nakatuon sa mga nakaraang pangulo ng bansa kabilang ang kanilang nagawa.
Ang mga mamamayan ay maari nilang tignan ang pagiging maagap sa kasaysayan, artepakto at memorabilia o naiwang alaala ng isang bagay mula sa nakaraan o panahon ng kanilang termino, at nag aalok ng malalalimang pagtingan sa kasaysayan ng mga pangulo ng bansa.
Maliban sa mga exhibits, ang museum o museo sa wikang Pilipino ay itinatampo ang opisina ng Pangulo, ang Presidential Hall, at ang gift shop.
Ang Mansion House, na kilalang pasyalan ay kilala rin sa makasaysayang pamana at arkitektura at inaasahang dadagsain ito ng mga mamamayan dito sa lungsod ng Baguio at maging ng mga taga ibang lugar sa bansa at maging ng mga dayuhan turista.
Ang museum o museo ay bukas sa publiko, na walang bayad o admission fee. Ganon pa man, hinihikayat ang madla na magpunta sa website nito o sa mga social media pages ng naturang Museo o Museum.
Ang pasinaya ay dinaluhan nila Tourism Secretary Christina Frasco, Education Secretary Sonny Angara, Benguet Governor Melchor Diclas, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Vice Mayor Faustino Olowan, at ang National Artist na si Kidlat Tahimik. Ang ibang opisyal ng pamahalaan national at lokal, maging ang mga artists, tagapagturo, ang mga manggagawang kultura at mga turista ng lungsod ay naroon din.
Ang museo ay maaring libreng bisitahin sa araw ng Martes hangang linggo mula alas 9 ng umaga hangang alas tres ng hapon. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)