34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Premyo sa Ultra Lotto 6/58 posibleng sumampa na sa 800-M piso

- Advertisement -

Tila mailap pa rin para sa mga mananaya ng Ultra Lotto 6/58 ang winning number combination para mapanalunan ang aabot sa mahigit 700 milyong pisong jackpot prize.

Dahil dito, inihayag ni PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan na posibleng umakyat na sa 800 million pesos ang jackpot prize sa naturang lotto game.

Magugunitang nasa 41 mananaya ang nakakuha ng 5 digits winning number sa bola nito noong Biyernes bagama’t walang nakakuha ng 6 digits winning number combinations na 46 – 25 – 55 – 26 – 50 at 57.

Dahil dito, makatatanggap sila ng consolation prize na aabot sa mahigit 200,000 piso bawat isa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -