33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga sundalo bibigyan ng Rolex watch ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Pinapurihan at sinaluduhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y katangi-tanging performance na ipinakita ng mga tropa ng western command ng AFP o Armed Forces of the Philippines.

Ito’y makaraang inspeksyunin ng pangulo ang mga narekober na armas ng militar sa Camp Datu Lipus Makapandong sa bayan ng Prosperidad sa Agusan Del Sur kahapon na tinatayang aabot sa 131.

Kasabay nito, binigyan ng 100,000 piso ng pangulo ang 401st at 402nd infantry brigades ng Philippine Army bilang pabuya sa kanilang magandang serbisyo.

Nang kausapin naman ni Pangulong Duterte ang mga sundalo, pinangakuan niya ang mga ito na bibigyan ng Rolex watch kung magiging matapang aniya ang lahat.

Subalit nilinaw ng pangulo na ang bibigyan niya lamang ng mamahaling relo ay iyong mga hindi pa nakatatanggap.

Nagkakahalaga ang isang rolex watch mula 100,000 hanggang isang milyong piso depende sa laki at taglay na mamahaling bato o metal nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -