Pre-installing ng Facebook apps sa Huawei smartphones ipinahinto

0
60

Ipinahinto na ng Facebook ang pre-installing ng kanilang apps sa mga smartphones ng Huawei Technologies Co.

Ito ay matapos putulin ng Estados Unidos ang koneksyon sa Chinese tech giant.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Facebook, sinabi nito na sinususpinde na nila ang pagbibigay ng serbisyo sa Huawei, ngunit nilinaw rin naman nito na magagamit pa rin naman ang kanilang application sa mga kasalukuyang nagmamay-ari ng Huawei cellular phones.

Magugunitang ipinag-bawal ng Estados Unidos ang pakikipag-negosasyon sa China nang walang pahintulot ng gobyerno dahil sa di umano’y banta sa seguridad.