Ilang kalsada sa Metro Manila isinailalim sa road reblocking

0
59

Isinailalim na sa road reblocking ang ilang kalsada sa Metro Manila, mula ngayong araw hanggang sa Lunes, Hunyo 10.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang sa mga ma-apektuhang kalsada, ang first lane at second lane sa EDSA northbound hanggang sa General Roxas Avenue.

Southbound lane mula sa Aurora boulevard hanggang sa Arayat street.

Kabilang na rin ang F.B. Dela Rosa street sa Katipunan avenue, mula sa third lane hanggang sa Aurora flyover.

Samantala, inabisuhan naman ng DPWH ang mga motorista na asahan na ang mas mabagal na daloy ng trapiko, at kung maari ay gamitin na lamang ang mga alernatibong ruta.