Tuesday, May 7, 2024

Prangkisang ipinagkaloob sa mga energy provider sa Palawan handa na bawiin — Duterte

- Advertisement -

Handa si Pang. Rodrigo Duterte na bawiin ang prangkisang ipinagkaloob sa mga energy provider sa Palawan upang maibigay ito sa ibang operators na may kakayahang solusyunan ang rotational power supply problem sa lalawigan.

Sa pagdalo ng pangulo sa subaraw Biodiversity Festival sa Puerto Princesa, sinabi nitong, hindi katanggap-tanggap ang halos anim hanggang walong oras na brownout na nararanasan ng mga palawenyo sa loob ng ilang taon.

Bunsod nito, binigyan ni Pangulong Duterte ng palugit ang mga power providers doon para ayusin at i-upgrade ang kanilang serbisyo hanggang sa katapusan ng taon.

Giit ng punong ehekutibo, hindi sya magdadalawang-isip na igawad sa kumpanyang may sapat na pondo tulad ng China ang naturang prangkisa kapag hindi nasunod ang kanyang ibinigay na deadline.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img