Posibleng paglaya ni Sanchez walang kinalaman sa pagpatay sa isang BuCor official – NCRPO chief

0
40

Walang kinalaman sa kontrobersya sa posibleng pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ang pagkakapaslang sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito, ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ay sa gitna nang patuloy na imbestigasyon sa pagpatay kay BuCor official Ruperto Traya.

Ipinabatid ni Eleazar na tinututukan ng mga otoridad ang posibleng pagkakadawit ni Traya sa operasyon ng iligal na droga.

Si Traya ay nagbubukas ng gate nang inuupahang parking lot nang lumantad ang suspek at pinagbabaril ito sa ulo.