Saturday, May 4, 2024

Guman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin naghain ng guilty plea

- Advertisement -

Naghain ng guilty plea ang gunman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin noong November 2018.

Ipinabatid ni Prosecutor Pedro Navera na umamin sa krimen ang self-confessed gunman na si Edgardo Luib sa isinagawang pagbasa ng sakdal dito ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo RTC Branch 72.

Ilang beses pang tinanong ni Paradeza si Luib kung nalalaman at nauunawaan ba niya ang kahihinatnan ng kaniyang pag-amin.

Sinabi ni Luib na nakokonsensya na siya kaya’t nagpasya siyang umamin sa krimen.

Inihayag ni Luib na binaril niya si Sytin at bodyguard nitong si Efren Espartero dahil sa utos ng nakakabatang kapatid ng negosyante na si Dennis.

Sa September 11 magsisimula ang paglilitis sa kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img