Posibleng motibo sa pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat tinukoy

0
67

Extortion o pangingikil ang isa sa tinututukan ng Philippine National Police (PNP) na posibleng motibo sa pagsabog sa isang restaurant sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng labing walo (18) katao.

Ayon kay Soccsksargen Police Chief Brig. General Elise Rasco, dumulog sa pulisya ang may-ari ng kainan noong nakaraan dahil sa natatanggap na text messages ng extortion demand.

Sinabi ni Rasco, hindi pa malinaw kung ano ang talagang hinihingi ng mga nag-text sa may-ari ng restaurant pero posible aniyang pera ito.

Gayunman hindi pa rin isinasantabi ng pulisya ang anggulong posibleng kagagawan ng mga terorista ang pagsabog.

—-