30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Porma ng federal draft na ipinasa ng Kamara tinawag na peke

- Advertisement -

Pekeng porma ng federalismo ang bersyon na ipinasa ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa.

Pahayag ito ni Atty. Eduardo Araral, Professor sa Lee Kuan Yew School of Public Policy sa Singapore at bahagi ng PDP-Laban Federalism Study Group.

Ayon kay Araral, sa ilalim ng House version, ipinauubaya nila sa rehiyon o probinsya ang pagpapasya kung nais nilang maging federal state.

Hindi aniya uubra ang ganitong modelo ng federalismo dahil walang sinumang probinsya ang papayag na sumanib sa mga mahihirap na probinsya.

Sinabi ni Araral na walang malalaking reporma sa ilalim ng House version at ang tanging malinaw ay ang pagiging makasarili ng mga nagpanday nito.

Tinukoy ni Araral ang pagtanggal sa term limit ng mga halal na opisyal at pagtanggal sa ban sa political dynasty.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -