35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Comelec muling nagpaliwanag ukol sa maagang pangangampanya

- Advertisement -

Muling nagpaliwanag ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit hindi itinuturing na maagang pangangampanya ang paglalagay ng tarpaulin ng mga kandidato sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Director James Jimenez, Spokesman ng COMELEC, hindi pa itinuturing na opisyal na kandidato para sa 2019 elections ang isang pulitiko hanggat hindi pa inilalabas ng komisyon ang final list ng mga kandidato.

Ipinaliwanag ni Jimenez na hindi pa puwedeng manita ang COMELEC sa mga hindi pa naman itinuturing na kandidato.

Maliban dito, hanggat hindi aniya sumasapit ang petsa para sa pagsisimula ng kampanya ay hindi pa maituturing na pangangampanya ang paglalagay ng mga tarpaulin ng mga pulitiko.

Sa December 15 inaasahang ilalabas ng komisyon ang pinal na listahan ng mga kandidato.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -