27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

‘Pork Parking Scheme’ sa panukalang budget ibinunyag ng isang senador

- Advertisement -

Nabunyag na may tauhan ng isang senador na nais magpalaan ng proyekto sa isang mambabatas para mapondohan sa ilalim ng panukalang pambansang budget sa susunod na taon.

Sa panayam ng DWIZ kay Senador Panfilo Lacson, nagkakahalaga aniya ang naturang proyekto ng dalawandaang milyong piso (P200-M) sa kundisyon na ang senador umano ang mamimili ng contractor nito.

Tinawag ito ni Lacson bilang ‘pork parking’ na isang uri ng paraan aniya para makakuha ng kickback o makapagnakaw ang isang mambabatas gamit ang pondo ng taumbayan.

Ang panggagalingan nito allocation na naka-park sa ibang distrito, medyo malayo. Ang offer sa kanya, may proyekto pwede ka ba mag-spare ng P200M from our allocation kaya lang isang position lang, ang contractor sa amin. So di siya pumayag kasi ang congressman iniisip niya wala siya sa control sa quality ng proyekto na gagawin sa distrito niya baka siya mabagsakan ng sisi dahil kung distrito niya iisipin sa kanya ang proyekto na yan at yan ang ia-assume.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Lacson kung sino ang kapwa niya senador na tumatrabaho umano sa naturang pondo ngunit para sa kaniya dapat itong ilantad ng kongresistang nagbigay sa kaniya ng impormasyon.

Siyempre magde-defer ako sa congressman na nagsabi sa akin dahil siya may personal knowledge. Pero wala akong reason to doubt o ang congressman na gumagawa ng istorya. Ano pa para sabihin sa akin yan? Ako alam niyang advocacy ko lumaban sa pork kaya nai-share niya sa akin ang information.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -