34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

2 kuta ng CPP-NPA na gagamitin para sa kanilang 50th anniv nakubkob

- Advertisement -

Inanunsyo ng Philippine Army Scout Rangers na matagumpay nilang nakubkob ang dalawang hideouts ng CPP-NPA sa Mindanao na magsisilbi sana nilang venue para sa kanilang 50th anniversary celebration.

Ayon sa commander ng 403rd infantry peacemaker brigade na si Col. Edgardo de Leon, matatagpuan ang mga nasakop nilang kuta ng NPA sa masukal na bundok na nasa hangganan ng Bukidnon at Agusan del Sur, matapos ang serye ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahaalan at rebeldeng grupo kamakailan.

Naganap ang unang engkuwentro noong December 12, kung saan nakasagupa ng army scout rangers ang nasa apatnapung fully-armed CPP-NPA terrorists na nasa loob ng kanilang hideout na may lawak na 20 x 300 meters at maaring mag- accommodate ng hanggang 120 na katao.

Umaga naman December 13, muling nagka-engkwentro ang mga ranger at ang mga npa na ilang kilometro lang ang layo mula sa una nilang kuta.

Nasamsam rin sa dalawang kuta ng komunistang grupo ang mga armas, bala, explosives, medical kits, personal na gamit at mga dokumento ng CPP-NPA-NDF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -